Hinamon ni dating Secretary of Defense at Senator Orly Mercado ang mga presidential candidates na sabihin sa publiko ang katotohanan patungkol sa mga nangyayaring kaguluhan ngayon sa Russia at Ukraine.
Sabi ni Mercado, nararapat lamang na gamitin ng mga kandidato ang panahon ng kampanya para ipaalam sa publiko ang epekto sa atin ng digmaan.
Nababahala rin si mercado sa mga propaganda ng Russia sa social media na nakakaabot sa Pilipinas at ginagamit ng mga kampo ng pulitiko para pumabor sa kanila.
Malinaw aniya na maraming naging paglabag ang Russia sa United Nations Charter at Geneva Conventions at hindi ito katanggap-tanggap.
Iginiit din ng dating senador at defense expert na hindi tayo dapat maging neutral sa mga ganitong bagay at sundin ang Department of Foreign Affairs sa pagkondena sa Russia.