Presidential Communications Asec. Mocha Uson, binigyan ng parangal ng University of Santo Tomas

Manila, Philippines – Binigyan ng University of Santo Tomas (UST) Alumni Association ng Thomasian Alumni Award for Government Service si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson.

Nagpasalamat naman sa kanyang alma mater si Uson at inalay ang nakuhang pagkilala sa mga ordinaryong pilipino.

Maliban kay Uson, nakatanggap rin ng kaparehong pagkilala sina Senador Joel Villanueva at Department of Health Secretary (DOH) Francisco Duque.


Samantala, tinuligsa naman ng UST Central Student Council (CSC) ang award na ibinigay kay Uson.

Giit ng UST CSC, hindi kinakatawan ni Uson ang ideals ng isang tunay na Thomasian.

Hinimok pa ng UST CSC ang lahat ng Thomasian na labanan ang pagpapalaganap ng maling impormasyon at maging kritikal sa mga impormasyong tinatanggap.

Facebook Comments