PANSAMANTALA | DOLE, nilinaw na wala pang ipinatutupad na total deployment ban ng mga OFW sa Kuwait

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Labor and Employment o DOLE na wala pang ipinatutupad na total deployment ban sa bansang Kuwait.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, pansamantalang pagpapatupad ng deployment ban pa lamang ang iniutos ng gobyerno dahil pinag-aaralan pa ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil dito, tanging naaapektuhan lang aniya ay ang mga manggagawang pilipinong hindi pa nabibigyan ng overseas employment certificate.


Nanawagan naman si Be*l*lo sa mga naapektuhan ng suspensyon na maghintay lamang dahil para sa kapakanan at kaligtasan rin nila ang nasabing hakbang.

Facebook Comments