Presidential Communications Asec. Mocha Uson, pinagsabihan na ni Sec. Martin Andanar

Manila, Philippines – Pinagsabihan na ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar ang kanyang Asec. na si Mocha Uson dahil sa ilan nitong sablay.

Ito’y matapos batikusin si Uson dahil naka-boots ito at walang balabal nang mag-selfie sa isang nabawing Mosque sa Marawi City.

Marami rin aniya ang nagalit dahil sa pagpe-perform nito sa casino kahit itinalaga na siya sa gobyerno.


Ayon kay Andanar – naintindihan nama ni Mocha ang kanyang mga pagkakamali.

Aniya, hindi pa umaarangkada ang imbestigasyon kay Uson kaya tuloy pa rin ang kanyang trabaho.

Sa ngayon, nasa Amerika si Uson kasama si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano para sa isang official visit sa United Nations.

Pero nilinaw ni Andanar – legal ang biyahe ni Mocha.

Una nang iginiit ni andanar na dapat sundin ang direktiba ng Malacañang na nagbabawal sa mga public officials na magpunta sa mga casino.

Pero pag-amin ni Andanar, naiiba ang kaso ni Uson.

Facebook Comments