Babae sa China, nakasuot ng mask sa loob ng sampung taon

Isang 56 years old na babae sa China ang tinaguriang “Masked Woman” dahil sampung taon na siyang nakasuot ng maskara. Kinilala ang binansagang “masked woman” na si Madam Wang, isang magsasaka sa Hubei, China.
Batay sa ulat, itinatago ng naturang babae ang kanyang mukha sa lahat ng mga nasa lugar na iyon, maging sa kanyang asawa’t mga anak.
Kahit sa kasagsagan ng mainit na panahon at habang nagtatrabaho, suot pa rin niya ang sariling gawang maskara na may butas lamang para sa mata, ilong at bibig.
Ayon kay Madam Wang, nahihilo siya kapag hindi suot ang maskara at ayaw niyang ma-expose ang ulo niya sa hangin.
Samantalang ag sabi ng kanyang asawa na si Xiao Hongfa na mayroong mental disorder ang asawa na tinatawag na schiophrenia noon pang 2007. Dinala na si Madam Wang sa iba’t ibang ospital ngunit walang doktor na nakagagamot sa kanyang kalagayan. Bagama’t may sakit, inilalarawan siya ng kanyang asawa na masipag at mapagmahal na ina sa kanilang mga anak.

Facebook Comments