Manila, Philippines – Aminado ang Presidential Communications Office (PCO) na wala pang malinaw na panuntunan para i-regulate ang mga blogs.
Ito ay matapos ihayag ng tanggapan na bibigyan ng accreditation ang mga bloggers para i-cover ang mga events ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PCO Assistant Sec. Kris Ablan – wala pang patakaran pagdating sa pagmumura o paggamit ng foul language ng mga blog sites dahil bahagi ito ng freedom of speech.
Hindi rin aniya kontrolado ng PCO ang magiging laman ng kanilang blog.
Sinabi pa ni Ablan – tinitiyak naman ng PCO na hindi fake news ang ilalagay ng mga accredited blogger sa social media.
Pero posible naman silang magpatupad ng paghihigpit sakaling may umabuso.
Facebook Comments