Presidential Electoral Tribunal, pinagsusumite ang kampo nina dating Senador Marcos at VP Leni Robredo ng preliminary conference brief

Manila, Philippines – Pinagsusumite ng Presidential Electoral Tribunal ang kampo nina dating Senador Bongbong Marcos at Vice President Leni Robredo ng preliminary conference brief.

Ayon sa SC lalamanin nito ang kanilang posisyon sa mga sumusunod na isyu:

– pagtatakda ng limitasyon sa bilang ng mga testigo;
– pinakamabilis na paraan sa pagkuha at pagproseso ng mga ballot box na naglalaman ng mga election return, certificate of canvass at iba pang election document na kinukwestyon ng magkabilang panig
– at mga bagay na makakatulong sa mabilis na paglutas ng dalawag electoral protest.


Ito ay bilang paghahanda na rin sa preliminary conference sa magkahiwalay na electoral protest na inihain nina Marcos at VP Robredo na gaganapin sa July 11.
DZXL558

Facebook Comments