Manila, Philippines – Nagmatigas si Presidential Son Vice Mayor Paolo Duterte na huwag ipakita sa publiko o pakunan ng larawan para maipasuri sa United States Drug Enforcement Agency ang kanyang tattoo sa likod.
Sa pagdinig ng Senado ukol sa mga anomalya sa Bureau of Customs ay ibinunyag ni Senator Antonio Trillanes IV na ang tattoo sa likod ni Vice Mayor Pulong ay patunay na miyembro ito ng triad o transnational criminal organization na nagsasagawa din ng smuggling ng droga.
Hamon ni Trillanes kay Vice Mayor Paolo, ipasuri sa US DEA ang tattoo nito para ma-decode at matukoy ang sacred digits nito at malantad kung anong faction ng triad siya kasapi.
Nangako naman si Senator Trillanes na ibibigay niya sa blue ribbon committee ang source ng kanyang impormasyon o intel report na nagsasabing sangkot sa triad si Vice Mayor Duterte.