Mundo ni Abu Torayfe paliit ng paliit

Tiwala ang pamunuan ng 6th Infatry Kampilan Division sa liderato ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front na tuluyang matatapos na ang paghahasik ng kaguluhan ng grupo ni Esmael Abdulamalik o Abu Torayfe.

Itoy bunsod na rin sa walang tigil na pagsuyod ng mga pinagsanib na pwersa ng Task Force Etihad, 118th at 105th base command sa mga kasuluksulukang bahagi ng Brgy Tee at Andavit ng Datu Salibo, Maguindanao na pinagtataguan ni Abu Torayfe.

Patuloy rin ang verification sa sitwasyon ni Abu Torayfe na di umanoy nahihirapan na dahil sa sugat na natamo maliban pa sa tinatayang 50 nalagas na mga tagasunod sa halos mag iisang buwang pakikipaglaban.Maaring ubos na rin ang bala ng mga nito ayon pa kay 6th ID CMO Chief Col. Gerry Besana sa panayam ng RMN COTABATO.


Samantala tuloy rin ang ginagawang pagtulong ng pnp at military sa BIAF Combatants sa pamamagitan ng land, water at air assets support.

Nauna na ring inihayag ng dalawa pang faction ng BIFF na hindi sila makikipagtulungan sa dati nilang kasamang si Abu Torayfe.((DENNIS ARCON)
BIAF MILF Google pic

Facebook Comments