Manila, Philippines – Hindi tuluyang matatanggal sa administrasyon si Presidential Spokesman Erenesto Abella kahit pa pinalitan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kanyang tagapagsalita.
Uupo na kasi bilang Presidential Spokesman si Congressman Harry Roque matapos itong ianunsiyo ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, mananatili sa administrasyon si Abella pero hindi aniya niya alam kung saan ito ipu-pwesto ni Pangulong Duterte.
Matatandaan na pinadadalo na ni Pangulong Duterte sa Cabinet Meeting sa November 6 si Roque bilang kanyang tagapagsalita.
Facebook Comments