Presidential Spokesman Harry Roque, nag-sorry kay Pangulong Duterte dahil sa paggamit ng ‘perpetual isolation’

Humingi ng paumanhin si Presidential Spokesperson Harry Roque kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos ideklarang nasa ‘perpetual isolation’ ang Pangulo para maiwasan ang COVID-19.

Nabatid na naglabas ng public apology ang Palasyo matapos lumikha ng iba’t ibang espekulasyon hinggil sa kalusugan ng Pangulo dahil sa kontroberysal na pahayag ni Roque.

Aminado si Roque na mali ang mga salitang kaniyang binitawan sa kung paano niya inilalarawan ang mahigpit na pagbabantay ng Presidential Security Group (PSG) kay Pangulong Duterte.


Bago ito, lumabas ang iba’t ibang ulat na lumipad umano ang Pangulo patungong Singapore para magpagamot.

Una nang tiniyak ni Pangulong Duterte na wala siyang nililihim na biyahe abroad at iginiit niya na ginagarantiya rin ng Konstitusyon ang kanyang karapatang bumiyahe bilang isang mamamayan ng bansa.

Facebook Comments