Sasampulan ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ang mga nagpapakalat ng fake news.
Ito ay makaraang mabiktima siya ng fake news at lumabas sa social media ang kaniya umanong pahayag hinggil sa COVID-19 na hindi maganda ang dating sa publiko.
Sa lumabas na fake news, nakasaad na “COVID lang yan, konti lang ang namamatay, kahit umabot pa sa sampung milyon ang ma-impeksyon sa COVID-19, walang mawawala sa atin, baka 10 libo lamang ang patay.”
Giit ni Roque, maling-mali at malayong-malayo ito sa kaniyang sinabi.
Kasunod nito, paiimbestigahan at nais niyang kasuhan kung sinumang nasa likod nito.
Facebook Comments