Presidential Spokesman Roque, iginiit na walang bastos sa kanyang “drop dead” comment

380

Walang nakikitang bastos si Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang binitawang “drop dead” statement na umani ng batikos at puntirya ngayon ng kanyang mga kritiko.

Matatandaang sinabihan ni Roque ang mga kritiko ng administrasyon na ‘manigas kayong lahat’ habang ipinagmamalaki niya ang mga accomplishments ng administration lalo na ang pagsigla ng imprastraktura at paglaban sa COVID-19.


Ayon kay Roque, ‘usual expression’ lamang iyon.

“Lahat ng nakakakilala sa akin, that’s a usual expression that I have at wala pong kabastusan iyan. Sabi nga po ni Winona Ryder, ‘Reality bites’,” sabi ni Roque sa isang interview.

Dismayado siya dahil walang ginawa ang mga kritiko kundi hanapan ng mali ang administrasyon sa kabila ng mga napagtagumpayan nito.

“Kung babasahin mo iyong mga kritiko ay parang walang matinong ginawa. So, I think marami rin pong nagsasang-ayon sa akin, ang karamihan na tahimik na hindi maingay alam ko naniniwala na mas mabuti ang ating pamumuhay sa ilalim po ni Presidente Duterte,” ani Roque.




Isa si Senator Panfilo Lacson sa mga hindi natuwa sa pahayag ni Roque dahil nagpapakita ito ng pagiging ignorante at arogante.

Facebook Comments