Mismong si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ay hindi 100% satisfied sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.
Ayon kay Roque, kung siya ang tatanungin, 9 over 10 ang ibibigay niyang grado sa halos 2 oras na speech ng Pangulo.
Paliwanag ng kalihim, masyadong mahaba ang talumpati ng Pangulo na isinulat ng Malacañang Communication Staff.
Giit nito, mayroon ng mga pre-SONA fora kaya mahaba para sa kaniya ang isang oras at kwarenta minutong SONA speech ng Presidente.
Isa pa sa napuna ni Roque ay ang kakulangan ng mga quotable quotes.
Sinabi nito, na kung siya ang sumulat ng speech ng Pangulo ay mas marami siyang ilalagay na quotable quotes lalo na sa simula at ending ng speech.
Kasunod nito, sinabi ni Roque na base lamang ito sa kaniyang experience dahil isa aniya siyang speech writer noong siya ay estudyante pa.