Idudulog ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kay Pangulong Rodrigo Duterte at kay Davao City Mayor Sara Duterte- Carpio ang posibilidad na sumabak na nga ito sa eleksyon sa susunod na taon.
Ayon kay Roque, ang pagbansag sa kaniyang war criminal ng mga extremist group ang nagtulak sa kaniya upang ikonsidera na ang pagtakbo sa nalalapit na halalan.
Aniya, hindi siya makakapayag na ang mga kandidato ng extremist group ang makaka-upo sa puwesto.
Kaniya ring papatunayan na makukuha niya ang suporta ng taumbayan sa pagsabak niya sa eleksyon para tumakbo bilang isang senador.
Kasunod nito, aminado ang kalihim na napuno siya sa ginawang pambu-bully sa kaniya ng mga demonstrador na tumututol sa kaniyang nominasyon sa International Law Commission.
Gayunpaman, kakausapin pa muna niya tungkol sa kanyang pagtakbo ang pangulo at si Inday Sara.