Presidential Spokesperson Harry Roque, tiwalang hindi na ibabalik sa MECQ ang Metro Manila

Tiwala si Presidential Spokesperson Harry roque na hindi na babalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila sa Agosto.

Ayon kay Roque, wala namang paglala sa case doubling rate na nasa 8.9 days habang nasa 73% ang critical health care capacity.

Gayunman, magpupulong aniya ang Inter-Agency Task Force (IATF) para pag-usapan ang ipapatupad na quarantine protocols sa Metro Manila.


Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pinag-aaralan na ng mga eksperto at sub-technical group ng data analytics ng IATF ang mga kaso ng COVID-19 at health system capacity sa National Capital Region (NCR).

Nilinaw din ng DOH na hindi pa sila makakapagbigay ng bilang kung ilan ang magiging kaso ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng katapusan ng Hulyo matapos ang pagtaya ng mga eksperto mula sa University of the Philippines.

“Ang lagi ho naming sinasabi kapag mayroong mga ganitong mga estimate na galing sa mga institutions, this are models, this are base on a scientific assumption. Kailangan lang natin talagang gagawin kapag ganyan, is to strengthen the response para hindi tayo umabot sa ganyang numbers,” ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire.

Facebook Comments