Preso mula sa North Cotabato District Jail namatay sa sakit

23

Isa na namang preso mula sa North Cotabato District Jail sa Amas Kidapawan City ang binawian ng buhay dahil sa atake sa puso. Kinilala ang nasawing preso na si Rene Belgera, 49 residente ng Midsayap North Cotabato.
Dalong alas 7 ng gabi noong Oct 9 ng isugod sa North Cotabato Provincial Hospital si Rene subalit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
Maalaalang buwan ng Septyembre ay dalawang inmates din ang namatay dahil sa sakit na TB.
Sinabi ni Jail Warden Supt. Simeon Dolojo Jr. minomonitor nila ang kalagayan ng mga inmates at meron silang isolation room para sa mga inmates na merong malalang sakit.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments