Preso, nakatakas matapos masalisihan ang pulis sa Cavite

Cavite City – Nakatakas ang isang preso matapos masalisihan ang kasamang pulis sa Cavite.

Nasa Imus City Hall of Justice ang presong si Edcel Cabrera kasama ang pulis na si PO2 Elian Cambia para dumalo ng hearing sa RTC branch 21 dahil sa kasong illegal drugs na kinakaharap ni Cabrera.

Nagpaalam na pupunta sa banyo ang preso kung saan nakatakas ito nang magdaan sa bintana ng comfort room.


Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga pulis para muling maaresto ang nasabing preso.

Facebook Comments