Preso sa Manila Police District, namatay dahil sa heatstroke

Manila, Philippines – Kasunod ng pagkamatay ng dalawang bilanggo ng Manila Police District (MPD) dahil sa heatstroke, isa na namang preso ang binawian ng buhay sa parehong dahilan.

Kinilala ito na si June Agdeppa, 45-anyos, at nakakulong sa Drug Enforcement Unit (DEU) jail ng MPD.

Dinala pa sa ospital ng Maynila ang preso pero agad ding binawian ng buhay.


Ayon kay DEU Chief Senior Inspector Salvador Tangdol, nasa 28 na tao lamang ang kasya sa nasabing kulungan pero 86 na mga bilanggo ang nagsisiksikan dito.

Hindi naman aniya nila mailipat ang ibang inmate ng DEU sa Manila City Jail dahil natatagalan ang mga judge na mag-release ng commitment order.

Facebook Comments