Tinawag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na insubordination ang ginawang pagpapatawag ng press conference ni Police Lt.Col. Jovie Espenido hinggil sa kanyang pagkakasama sa drugs watch list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año matapos maglabas ng sama ng loob at kwestyunin ni Espinido ang report na nagdadawit sa kanya sa narco list.
Paliwanag ng Kalihim, hindi man ito direkta, pero dapat sinunod pa rin ni Espenido ang utos ni Philippine National Police o PNP Chief General Archie Francisco Gamboa para na rin sa kanyang kapakanan.
Ayon sa opisyal, kasama si Espinido sa 357 na police officials na naisama sa listahan, napagkasunduan di umano na sumunod sa gag order noong panahong pinatawag sila para mag-report sa opisina ni Gamboa.
Nasa PNP Chief na daw kung ano ang aksyon hinggil sa pagpapatawag ng press conference ni Espenido.