Presumptive House Speaker Lord Allan Velasco, mas pinili ang katapatan mula sa katanyagan at kapangyarihan

Mas pinili ni Presumptive House Speaker, Marinduque Representative Lord Allan Velasco ang katapatan mula sa katanyagan at kapangyarihan.

Ayon kay Velasco, sumang-ayon siya sa suhestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na payagan si Taguig Representative Alan Peter Cayetano na maging House Speaker sa unang 15 buwan saka siya uupo sa susunod na 21 buwan sa ilalim ng term sharing agreement.

Nagpapasalamat si Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibigay sa kaniya ng insipirasyon na ipursige ang public service.


Si Pangulong Duterte aniya ay “man of his word” kung saan personal pa nitong pinaaalahanan si Cayetano na sundin ang gentleman’s agreement.

Iginiit ni Velasco na ang sukatan ng pagiging pinuno ay nalalaman sa panahong kung saan pinakamahirap.

Anuman aniya ang hamon, ang leader ay kailangang harapin ang hamon at tumugon sa tawag ng serbisyo.

Aminado si Velasco na ang kanyang paglalakbay bilang Speaker ay mahirap bunga ng pagtanggi ni Cayetano na sundin ang kasunduan.

Facebook Comments