MANILA – Prayoridad umano ni Presumptive President Rodrigo Duterte ang pagre-reporma sa Philippine National Police (PNP).Ayon sa kampo ni Duterte, unang-una nitong aayusin ang kapulisan upang maisakatuparan ang pangako niya noong kampanya kaugnay sa paglaban ng krimen sa bansa.Matatandaang sinabi noon ni Duterte na babawasan niya ang kaso ng kriminalidad sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.Ayon kay Atty. Salvador Panelo, nagawa na umano ito ni Duterte sa Davao City kaya kakayanin niya ito sa buong bansa.Kaugnay nito, inaasahan umano na mababawasan ang krimen gaya ng murder, kidnapping, rape, theft, robbery, homicide at smuggling sa ilalim ng Duterte administration.
Facebook Comments