Ppcrv,Nanawagan Para Sa Karagdagang Student Volunteer.

3

MANILA – Nanawagan na ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV ng karagdagang 150 student volunteer para mapabilis ang proseso ng pagma-manual audit ng mga Election return.Ayon kay PPCRV Spokesperson Ana de Villa-Singson – hindi naman kinakailangan na IT expert ang volunteer.Aniya, maaaring makipag-ugnayan ang mga gustong mag-volunteer sa telephone number na 527-7278.Paliwanag ni Singson, mahalaga na walang political affiliation ang mga gustong mag-volunteer sa PPCRV.Una nang sinabi ng PPCRV na posibleng abutin pa ng tatlong linggo bago tuluyang matapos ang manual audit ng mga ER.Sa ngayon, nasa labing-dalawang libo pa lamang ang sumasailalim sa manual audit mula sa kabuuang 93-libong Election Returns.

Facebook Comments