Presyo ng asukal, bababa sa P70 hanggang P80 kada kilo pagsapit ng Nobyembre

Inaasahan darating sa kalagitnaan ng Nobyembre ang 150,000 metriko toneladang imported na asukal.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Agriculture (DA) Usec. Domingo Panganiban na sa panahong iyon ay inaasahang magiging matatag ang presyo ng asukal sa merkado.

Tatlong milyong kilo bags aniyang murang asukal ang ikakalat sa mga palengke sa murang halaga na pakikinabangan ng mga consumer.


Ayon kay Panganiban, P70 hanggang P80 kada kilo ang inaasahan nilang magiging presyo ng asukal pagsapit ng panahong iyan, mas mura kesa sa P90 hanggang P110 kada kilo na naitatalang presyo ngayon sa mga pamilihan.

Facebook Comments