Isang OFW sa Hong Kong, natagpuang patay sa kaniyang kwarto

479

Isang 46 taong gulang na Overseas Filipino Workers (OFW) sa Hong Kong ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng kaniyang kuwarto.

Nabatid na mismong ang employer nito ang tumawag sa pulis para ipaalam na hindi na gumagalaw ang OFW.

Wala namang nakitang foul play ang Hong Kong authorities sa pagkamatay ng Pinay.


Ipinaalam na rin sa pamilya nito sa Pilipinas ang sinapit ng OFW.

Inaayos na rin ang repatriation sa labi ng Pinay worker.

Facebook Comments