Inaasahang bababa na ang presyo ng asukal kasabay ng pagsisimula ng milling season sa Setyembre hanggang Nobyembre.
Ayon kay Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) President Danilo Fausto, sa ngayon kasi ang retail price ng sugar ay naglalaro sa P90-P95 kada kilogram.
Aniya, hindi pa nila masabi kung magkano ang ibababang presyo ng asukal dahil nakadepende ito sa ilang factors gaya ng cost of production.
Kasabay nito, pinuri naman ng grupo ang pagtutol ni President Ferdinand Marcos Jr. na mag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal ang bansa dahil maaapektuhan nito ang local sugar farmers.
Facebook Comments