Merida, Leyte, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol kaninang umaga

38

Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang bayan ng Merida sa Leyte kaninang umaga.

Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang sentro ng pagyanig ay natukoy sa layong 5 kilometro, sa hilagang kanluran ng bayan ng Merida.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 22 kilometro mula sa episentro.


Kasunod nito, naramdaman din ang instrumental intensity 2 sa mga bayan ng Albuera at Calubian sa nabanggit na lugar.

Wala namang inaasahang aftershocks at wala ring naitalang pinsala at mga nasaktan sa naturang lindol.

Facebook Comments