Posibleng bumaba pa sa ₱60 ang presyo ng kada kilo ng asukal sa mga pamilihan ngayong linggo.
Ayon kay Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, maaari kasing maimpluwensyahan ng murang asukal sa mga supermarket ang bentahan nito sa mga palengke.
Una nang ibinaba ng ilang malalaking supermarket ang presyo ng kanilang asukal sa ₱70 kada kilo mula sa kasalukuyang ₱100 hanggang ₱115 presyo nito sa mga pamilihan.
Tiwala rin si Panganiban na makakatulong ang ginagawang pagsalakay ng Bureau of Customs sa mga bodega na hinihinalaang sangkot sa hoarding at smuggling upang mapalabas ang suplay ng asukal sa bansa.
Facebook Comments