Sa kabila ng pagkakaroon ng kaso ng African Swine Fever sa Metro Manila, mahal pa rin ang presyo ng baboy sa ilang pangunahing palengke.
Batay sa sa monitoring ng Deparment of Agriculture, ang presyo ng liempo sa Pasay City Market at San Andres Market sa Maynila ay parehong nasa 240-250 pesos per kilo.
Bahagya lamang bumaba ang presyo ng baboy sa Pasig City Mega Market na nasa 220-250, Las Pinas market 235 at Marikina Public Market na 230-250
Pero kapansin-pansin ang ibinaba sa presyo ng baboy sa ilang pamilihan sa Quezon City na may dalawang brgy na nagpositibo sa ASF.
Ang presyo ng liempo sa Commonwealth Market ay nasa 190-210 habang nasa 200-240 ang presyo ng liempo sa Mega Market, habang nasa 230 pesos per kilo naman ang baboy sa Munoz Market.