Kinumpirma sa IFM Dagupan ni Samahan ng Industriya at Agrikultura o Sinag Chairman Engr. Rosendo So na nakatakdang tumaas ang presyo ng bigas.
Ito ay sa kadahilanang tumaas ang presyo nito sa mga farm gate price ng palay na pumapalo na sa 30 pesos at yung basang palay ay 26 pesos at wala itong kinalaman pa sa nagdaang kalamidad.
Aniya kapag naubos ang mga stocks sa mga bodega ay asahan ang pagtaas ng presyo ng bigas sa mga palengke.
Sa ngayon ay nagkaroon na ng naunang pagtaas ng presyo ng bigas nitong mga nakalipas na mga buwan kung saan ay nasa mahigit 40 pesos na ang minimum na presyo ng mga commercial rice. |ifmnews
Facebook Comments