Presyo ng bigas, bumaba ng halos P10 dahil sa Rice Tariffication Law

Mas mababa na ngayon nang P10 ang presyo ng bigas sa bansa.

Pagmamalaki ni Trade Secretary Ramon Lopez, isang taon ito matapos na maipatupad ang Rice Tariffication Law.

Aniya, mula sa dating P49 pataas na presyo ng well-milled rice, nasa P38 hanggang P39 na lang ito.


Katunayan, ganito na ang presyuhan ng bigas sa halos lahat ng pamilihan.

Dagdag pa ng kalihim, napapakinabangan na rin ngayon ng mga lokal na magsasaka ang p10-billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) mula sa buwis sa rice importation.

Pebrero 2019 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang batas na nagpapahintulot ng unlimited rice importation kapalit ng pagbabayag ng taripa sa gobyerno.

Facebook Comments