Mataas pa rin ang presyo ng bigas sa ilang lugar kahit bagsak na ang presyo ng palay at dagsa na ang imported rice.
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, kahit marami ang imported na bigas ay hindi pa rin inilalabas ang stocks sa merkado.
Kaya nagbabala siya sa mga umano’y nagho-hoard nito.
Nakipagsundo na rin ang provincial government na bilhin ang palay ng mga magsasaka sa halagang 15 hanggang 17 pesos gamit ang ipapautang ng landbank na pondo.
Hihigpitan na rin nila ang mga requirements sa pag-iimport ng bigas para makontrol ang pagdagsa nito gaya ng kasalukuyang nangyayari.
Facebook Comments