Tumaas ng P1 hanggang P2 ang presyo ng kada kilo ng bigas sa mga pamilihan.
Ayon kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, nagsimula nilang i-monitor ang pagtaas ng presyo ng bigas, dalawang linggo na ang nakararaan at tuloy-tuloy na ang pagtaas nito hanggang ngayon.
Sa ngayon, ang pinakamababang presyo ng bigas ay umaabot na sa P38 kada kilo.
Paliwanag ni Estavillo, bukod sa panahon ng pagtatanim ay dinadahilan ng mga retailer ang mataas na presyo ng petrolyo na ginagamit sa pagbiyahe ng mga bigas.
Gayunpaman, iginiit ng Bantay Bigas na walang dahilan para itaas ng presyo nito dahil napakaraming imported na bigas sa bansa.
Facebook Comments