Presyo ng bigas sa pamilihan ng Pangasinan patuloy ang pagbaba

Bumaba ng bahagya ang presyo ng bigas sa merkado at pamilihan ng Pangasinan na aasahan pa umano ang pagbaba dahil sa panahon ng tag ulan.
Base sa monitoring ng Department of Trade and Industry ay bumaba na sa P29 hanggang P30 kada kilo ang presyo ng commercial rice sa lalawigan ng Pangasinan na sa tala ay isa ang lalawigan sa may pinakamababang presyo sa Rehiyon Uno.
Ang pagbaba umano ng presyo ay dahil sa mataas na suplay ng bigas sa lalawigan dulot ng harvest season, lalo na’t hindi naman tinamaan ng kalamidad ang kalakhan ng mga rice producing towns.
Isa din sa nagpababa ng presyo ang patuloy na pagdating ng mga imported rice sa bansa.
Samantala, naitala naman ang mga bayan ng Mangatarem, Alaminos, San Carlos, Malasiqui, Mangaldan, Calasiao, Sta. Barbara at Lingayen na may mataas na ani ng palay.
Sa ngayon ay makakabili ka ng P27 pesos kada kilo NFA, P30-P42 kada kilo ng regular milled rice, P39-P50 ang premium rice at P46-65 naman ang special rice.

Facebook Comments