PRESYO NG BIGAS SA PANGASINAN, POSIBLENG TUMAAS DAHIL SA NAKALIPAS NA BAGYONG KARDING

Idol Jhon Caranto | 104.7 iFM Dagupan

Dahil sa nakalipas na hagupit ng bagyong karding sa ilang bahagi ng Pangasinan, may posibilidad na tumaas ang presyo ng mga bilihing bigas ayon sa SINAG.
Sa isang panayam, sinabi ng Samahang Industriya ng Agrikultura, maaari umanong tumaas ng hanggang P2 kada kilo ang bigas dahil sa sinapit ng ilang magsasaka na naapektuhan ang kanilang mga pananim na palay.
Sa ngayon, P38 ang pinakamababang presyo ng bigas sa Pangasinan at sa Dagupan City kung saan inaangkat pa ng ilang rice traders sa mga probinsya ng Cagayan, Isabela, Nueva Ecija at iba pa.

Samantala, dahil sa naging hagupit ng Bagyong Karding, batay sa assessment ng pamahalaang panlalawigan ang tinatayang PHP5.2 milyong halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.

Nananawagan naman ang ilang magsasaka sa Pangasinan na lubhang naapektuhan ng bagyo n asana umano ay bigyan sila ng kaunting tulong mula sa pamahalaan. | ifmnews

Facebook Comments