Panibagong oil price rollback, aasahan ng mga motorista sa Martes

164

Posible ulit ang oil price rollback sa darating na linggo.

Maglalaro sa ₱0.50 hanggang ₱0.80 ang inaasahang bawas-presyo sa kada litro ng diesel habang ₱0.40 hanggang ₱0.60 sa Gasolina.

May ₱1.10 hanggang ₱1.20 rin na tapyas sa kerosene.


Ito na ang ika-limang sunod na linggo na magpapatupad ng bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis.

Bukas, asahang ilalabas ng mga oil company ang opisyal na price adjustment na magiging epektibo naman sa araw ng Martes.

Facebook Comments