PRESYO NG BILIHIN | Economic cluster binuo para sugpuin ang food inflation

Manila, Philippines – Mas mataas kung ituring ng Department of Finance (DOF) ang food inflation o pagsipa ng presyo ng mga pagkain kumpara sa non-food items.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Finance Assistant Secretary Antonio Lambino, 8.5 percent ang itinaas sa presyo ng mga pagkain na gawa sa bansa.

Dahil dito sinabi ni Lambino na isa ring ekonomista na may mga hakbang nang ipinatutupad ang gobyerno para maibsan ang epekto ng pagsirit ng presyo ng mga food products.


Kabilang sa mga tinukoy aniya ng binuong economic development cluster na tutugon sa mataas na inflation ay ang direktang pagbagsak ng mga aangkating produkto katulad ng isda, karne at bigas sa mga pamilihan, implementasyon ng rice tariffication at pagpapaigting ng monitoring ng DTI, NBI, PNP at farms groups sa suplay at bentahan ng mga produktong pagkain sa merkado.

Paliwanag naman ni Lambino na hindi gaanong apektado ng mataas na inflation ang mga lalawigan kung saan sagana ang suplay ng agricultural products.

Facebook Comments