Manila, Philippines – Dinagdagan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang listahan ng mga produkto na nasa ilalim ng Suggested Retail Prices (SRP).
Ito ay upang maiwasan ang pananamantala sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, mula sa dating 145 items ay nasa 209 items na ang cover ng SRP.
Kabilang dito ang mga produktong de lata, mga condiments tulad ng suka, tuyo at patis, sabon, kandila, baterya, bottled water, sardinas, powdered milk, kape at iba pang consumer products.
Bukod sa pagdagdag ng mga produkto sa SRP, mas lalo pang pina-igting ng DTI ang kanilang monitoring.
Facebook Comments