Kasunod ng pananalasa ng bagyong Ompong
Pinag-aaralan na ngayon ng Department of Trade & Industry (DTI) kung posibleng ideklara o ipatupad ang price ceiling kaysa price freeze.
Paliwanag ni Trade Secretary Ramon Lopez ang price freeze kasi ay ang pagpako ng presyo ng mga pangunahing bilihin bago manalasa ang kalamidad samantalang ang price ceiling ay ang gobyerno ang magtatakda o magdidikta sa presyo ng basic goods and prime commodities matapos ideklara ang state of calamity sa mga sinalantang lugar.
Sinabi ni Lopez na sa ngayon kanila itong masusing pinag-aaralan.
Pero maliban dito tiniyak ng kalihim na babalik na sa normal ang supply at presyo ng bigas.
Ito ay makaraang dumating sa bansa ang 4.6 na sako ng NFA rice at parating pa ang halos 2 milyong sako ng bigas sa katapusan.
Idagdag pa aniya dito ang mga ma-aaning bigas ng ating magsasaka ngayon buwan at sa Oktubre kaya asahan na aniyang magkakaroon na muli ng murang bigas sa mga pamilihan.