WAGI | Pinay Spikers panalo kontra Kazakhstan

Thailand – Ibinunton ng Team Pilipinas ang sama ng loob matapos ang dalawang sunod na talo sa Kazakhstan para maitala ang unang panalo sa 6th Asian Volleyball Confederation Cup sa Nakhon Ratchasima sa Thailand.

Tinalo ng mga Pinay Spikers ang mga Kazakhs 25-22, 25-23, 20-25, 25-17 para sa breakthrough win sa torneo.

Gaya ng inaasahan pinangunahan ni Alyssa Valdez ang malaking panalo ng Pilipinas pero ang kabayanihan ni Mylene Paet sa crucial 4th set ang nagsara ng pinto sa comeback attempt ng Kazakhstan.


Agad kasing lumamang ang kalaban, 8-5 sa 4th set pero umangat ang laro ni Paet para makuha ng Pilipinas ang lamang 16-14.

Isang 9-1 run ang ginawa ng mga Pinay para makuha ang panalo.

Dahil sa panalo, may maliit na posibilidad na makausad pa sa knockout stage ang Team Pilipinas pero depende na rin ito sa resulta ng mga laro ng ibang koponan.

Facebook Comments