Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng economic managers ng Duterte Administration at ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang posibilidad na bawasan ang buwis sa mga inaangkat na karne at isda.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, layon nito na mabawasan ang inflation ng bansa o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Una nang hiniling ni Arroyo sa Pangulo na aksyunan ang pagtaas ng inflation rate ng bansa na umabot sa 5.3 percent noong Hunyo.
Nakatakda namang ianunsyo ngayon araw ng Philippine Statistic Authority o PSA ang inflation rate noong Hulyo.
Facebook Comments