DAGDAG SINGIL | Manufacturer ng 2 brand ng sardinas, humihirit ng taas-presyo

Manila, Philippines – Humihirit na rin ng taas presyo ang manufacturer ng dalawang brand ng sardinas.

Ayon kay Trade and Industry Undersecretary Ruth Castello, nasa limangpung sentimos hanggang piso at limangpung sentimos ang hirit na dagdag ng presyo sa sardinas.

Paliwanag ng manufacturers, tumaas ang gastos nila sa raw materials sa paggawa ng sardinas.


Sabi ni Castello, pinag-aaralan na nila ang hirit na dagdag presyo sa sardinas.

Facebook Comments