Manila, Philippines – Iginiit ngayon ng isang grupo ng mga manggagawa ang paglalagay ng gobyerno ng subsidiya sa mga basic commodities para maampat ang epekto ng sumisipang inflation rate sa kabuhayan ng mga lubhang mahihirap na mamamayan.
Sa Saturday news forum sa QC, sinabi ni Partido ng mga Manggagawa chairman Renato Magtubo na isa sa kongkretong hakbang na dapat nang gawin ng Administrasyong Duterte ay bilhin ang mga pangunahing produkto tulad ng asukal at kape saka pagulungin sa mga rolling stores na ilalagay sa mga pabrika at depressed communities.
Maari sin aniyang i-subsidize ang pamimili ng palay upang maampat ang sobrang taas ng presyo ng bigas.
Sinopla din ni Magtubo ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi maaring ikontrol ang presyuhan ng basic commodities dahil walang deklarasyon ng state of calamity.
Aniya, mas masahol pa sa kalamidad ang nararanasan ng mga nagdarahop sa sobrang taas ng presyo ng bilihin.
Binigyan diin ni Magtubo na ang presyo ang dapat arestuhin sa halip na ang mga kritiko ng administrasyong Duterte.