Presyo ng bulaklak sa Dangwa, Maynila – tumaas na!

Halos isang linggo bago ang Araw ng mga Puso tumaas na ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa mga tindera, nagmahal ang presyo ng mga bulaklak dahil kakaunti pa lang ang supply ngayon taon.

Ang rosas na dating mabibili sa halagang P100 hanggang P200 kada dosena ay nagkakahalaga na ng P400.


Nagkakahalaga naman ng flower arrangement ng P900 ang bouquet habang P1,200 naman kung may kasamang tsokolate.

Samantala, matumal naman ang bentahan ng mga bulaklak sa Baguio City.

Ang rados ay nagkakahalaga ng P20 kada bundle.

P40 ang Malaysian mums, P30 ang aster, P25 hanggang P30 ang mga garnet, habang P10 ang alstromeria.

Ang mga rosas naman ay nagkakahalaga ng P800 hanggang P1,000 kada dosena.

Facebook Comments