Presyo ng bulaklak sa Quezon City, posibleng dumoble na ngayong araw

Quezon City – Tataas na ng halos isang daang poryento ang presyo ng ilang bulaklak sa Araneta Center sa Quezon City.

Ito yung pwesto ng bulaklak na mala-Dangwa ang itsura sa dami ng pwesto at pagpipilian sa nasabing lugar.

Ayon sa ilang nagtitinda, tulad sa iba’t ibang pamilihan, asahan na ang pagtaas ng presyo ng mga bulaklak habang papalapit ang Undas.


Sa kanilang pwesto, mula P600 ay magiging P1,000 na yung mga naka-arrange bulaklak.

Mayroon din naming mga arrange flowers na tig-iisang daan hanggang sa 300 pesos.

Tip ng isang tinder, mas makakatipid at convenient kung sa mismong lugar na ng kustomer bibili ng bulaklak.

Ibig sabihin, huwag dapat masilaw sa mas mababang presyo sa Dangwa kung konti lang naman ang bibilin.

Mas lugi ka pa aniya sa pamasahe at sa pakikipagsapalaran sa siksikan ng dami ng tao sa Dangwa.

Facebook Comments