Manila, Philippinesa – Tumaas na rin ngayong buwan ang presyo ng mga de lata.
Ilang mga processed canned meat ay tumaas mula 25-sentimos hanggang 2.45 pesos.
Ang mga delatang sardinas ay tumaas ng 75-sentimos.
Paliwanag ng Department of Trade and Industry (DTI), bunsod ito ng paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.
Aarangkada pa ang taas-presyo sa katapusan ng Nobyembre, kung saan lima hanggang walong porsyento ang itataas sa presyo ng ham, hotdog, longganisa, luncheon meat, maling, at sausages.
Nag-abiso na rin sa DTI na magtataas din ang presyo ng gatas, keso de bola
Sa ngayon, pinag-aaralan ng DTI ang hiling ng mga manufacturers at siniguro na walang galaw sa presyo ng pasta, noodles at fruit cocktails.
Facebook Comments