Asahan na ang panibagong dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa oil industry source, may P1.10 hanggang P1.30 dagdag sa kada litro ng diesel habang may P0.05 bawas sa kada litro ng gasolina.
Pero sa pagtaya ng kompanyang Unioil, tataas ng P1.20 hanggang P1.40 ang kada litro ng diesel habang may P0.10 hanggang P0.20 na dagdag sa kada litro ng gasolina.
Nauna nang sinabi ni Department of Energy Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director Atty. Rino Abad na ang panibagong oil price hike sa dieasel at kerosene ay dahil sa paghina ng piso kontra dolyar.
Habang hindi pa aniya tiyak kung mayroong dagdag o bawas sa presyo ng gasolina.
Ito na ang ikaapat na linggong mayroong taas-presyo sa produktong petrolyo.
Facebook Comments