Umarangkada na ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong araw.
Tumaas ng P1.20 ang presyo ng kada litro ng diesel habang P2.45 sa kerosene pero bumaba naman ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P1.70.
Alas-12:01 ng hatinggabi ay nagpatupad ang kompanyang Caltex habang kaninang alas-6:00 naman nagpatupad ng price adjustment ang mga kompanya ng Shell, Seaoil, Petro Gazz, PTT Philippines, Unioil, Phoenix Petroleum, Jetti Fuel maliban sa Cleanfuel na mamaya pang alas-8:01 ng umaga.
Mula nang pumasok ang taon, mahigit P30 na ang itinaas sa presyo ng kada litro ng diesel, P23.85 sa gasolina at P25.65 naman sa kerosene.
Kasunod nito, ibinabala naman ni Department of Energy (DOE) Assistant Director Rodela Romero na posible pang umabot sa P100 ang kada litro ng gasolina sa mga susunod na buwan.