PRESYO NG GALUNGGONG, BUMABA SA P100-P160 KADA KILO SA DAGUPAN CITY

Bumaba ngayon ang presyo ng isdang galunggong sa mga pamilihan sa Dagupan City.

Ang kada kilo na nasa 160 hanggang 250 pesos noong nakaraang buwan, ngayon ay naglalaro sa 100 hanggang 160 pesos depende sa laki at uri.

Ayon sa mga nagtitinda, ito ay dulot ng peak season tuwing Marso, kung kailan karaniwang dumadami ang huli na dahilan upang maging mas abot-kaya ito sa mga mamimili.

Dagdag pa rito, mas maayos rin umano ang kondisyon ng panahon ngayon na pabor sa pangingisda.

Matatandaang nitong nakaraang taon ay pumalo sa halos 300 pesos ang kada kilo ng galunggong na dahilan ng matumal na bentahan ng naturang isda sa mga pamilihan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments