Presyo ng Galunggong sa Palengke ng Marikina mas mababa kumpara sa ibang palengke sa Metro Manila

Kumpara sa ilang pamilihan sa Metro Manila, mas mababa pa ang presyo ng isdang galunggong sa palengke ng Marikina City.

Base sa monitoring ng opisina ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro competitive ang presyo ng mga isda sa Marikina Public Market at iba pang produkto ng agrikultura kumpara sa ibang palengke sa Metro Manila.

Ngayong umaga,naglalaro sa P300  presyo ng galunggong sa Muñoz Market,habang P280 hanggang P300 ang presyo ng Galunggong sa Guadalupe Market kumpara sa P 240 ang presyo ng Galunggong sa Marikina Public Market.


Nasa average naman ang presyo ng ibang isda tulad ng bangus na mula P140 hanggang P200 gayundin ang isdang tilapia na nag-lalaro ang presyo mula P90-P130.

Samantala ang presyo ng manok ay nag-lalaro naman   mula P140 hanggang P190 ang kada kilo.

Facebook Comments